Tuesday, February 20, 2007

balls and pick-up lines

sabi nila, ang mga pinoy raw ay magaling mambola… iyong iba naman, sila ang nabobola. at meron rin iba pa diyan, eh, hamon-de-bola na.

naintindihan nyu ba ako?

ako hindi. 'di kasi ako marunong magtagalog… pero, pipilitin ko.

ang punto ko lang dito ay likas sating mga Pinoy ang magbigay ng mga magagandang opinyon lalo na't naayon ito sa ating panlasa. mahilig tayo sa mga magagandang bagay… nasisiyahan tayo kapag nakakakita ng bago at kakaiba… at marunong tayong magbigay galang at pagpapahalaga sa mga taong maypakana nito. isang katangian ng Pinoy na kung masama man o mabuti, eh nasa sariling opinion na iyon.

datapwat… subalit, hindi rin maiiwasang mapagsabihan tayong magaling lang sa bola. at iyon na nga, mga mambobola raw tayo.

teka, magaling ba tayong mambola?

ako? hindi ko alam. ang alam ko lang, kapag may mambobola, may nagpapabola.
kaya importante na may sarili tayong pananaw sa mga bagay-bagay. talasan natin ang ating pag-iisip at matoto naman tayong tumingin sa salamin. :p
oh, ayos ba yan?

kung hindi, aba! umayos ka diyan. :D
eto na lang, sample sa mga pambobola, este pick-up lines pala! weheheheheh! try nyung magbasa para matuwa naman kayo. kasi ako, tuwang-tuwa diyan!

pick-up lines
"favorite subject mo ba geometry?
kasi kahit anong angle, ang cute mo.."

"di ka pa ba pagod?
…kasi kanina ka pa tumatakbo sa puso ko eh.."

"may lahi ka bang keyboard?
…type kasi kita."
"alam mo bang scientist ako?
...at ikaw ang lab ko."
"anong height mo?
(sagot)
pa'no ka nagkasya sa puso ko?"

"ang galing mo siguro sa puzzles.
(bakit?)
kasi umaga pa lang nabuo mo na araw ko..."

"hindi tayo tao...
hindi tayo hayop...
BAGAY TAYO!"

"i lost my number….
can i get yours?"

"i forgot ur name…
can i call u mine?"

"centrum ka ba?
kasi you make my life complete!"

"ibibili kita ng salbabida.
…kasi malulunod ka sa pagmamahal ko."

"may kilala ka bang gumagawa ng relo? may sira ata relo ko.
pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko."

"pag dinirecho ko ba ang daan na ito...
makakapunta na ako sa puso mo?"

"aanhin pa ang gravity?
...kung lagi lang akong mahuhulog sa iyo?"

"girl: excuse me, you look a lot like someone...
boy: who?
girl: my next boyfriend."
"are you a dictionary?
...because you add meaning to my life."
"am i a bad shooter?
coz i keep on missing you.."

"kung posporo ka, at posporo din ako.
eh di, MATCH tayo!"

"0k lang na ako ang magbayad ng tuition fee mo....
basta pag-aralan mo lang akong mahalin."

"shabu ka ba?
high kasi ako sayo eh..."

"nung mahalin kita daig ko pa natraffic sa EDSA.
i can't move on!"
"kapag ako may tindahan, lahat ng tao bebentahan ko ng mura.
sayo lang hindi.
...dahil sayo lang ako magmamahal."

"are you a parking ticket?
(what?)
you got FINE written all over you." ----> really, smooth!

"hala, mag-empake ka't isasama kita sa home for the aged!
kasi i wanna grow old with you..."

"alarm clock ka ba?
ginising mo kasi ang natutulog kong puso eh."

"kung bola ka at ako ang player, mai-shoo-shoot ba kita?
hindi!
kasi lagi kitang mami-miss!"

"teacher ka ba?
ikaw kasi ang nagturo sa puso kong magmahal!"

"puwede bang magpa-picture kasama ka?
para naman ma-develop tayo!"

"i need someone real bad...
are you real bad?"

"sana naging telepono na lang ako...
ring lang ng ring...
...para naman may pag-asang sagutin mo ako."

"pwede ka bang makatabi pag may exam?
...coz i feel perfect beside you."

"you know what would look great on you?
me!" :D

"sana takdang aralin ka na lang.
baket?
para mai-uwi kita."

"your like a pustiso!
…because i can’t smile without you."


grabeh! nakakatuwa iyong mga pick-up lines, noh? ikaw? may naiisip ka? ako kasi walang maisip, eh...


KUNDI IKAW!




disclaimer: the sample pick-up lines are not mine. i found them in the internet and from text msgs.

No comments: